27.2.07

grabe. dalawang lathalain sa isang araw. ngunit ito ang hinihingi ng sitwasyon eh, at naisip ko na dapat kong gawin ang nararapat.

sabi nga nila, ang tao daw ay maihahalintulad sa isang aso - sa unang beses na saktan mo ng walang dahilan, ito ay mag-iisip - bakit nya ginagawa ito sa akin? sa ikalawa, ito ay magtataka - ano ba ang nagawa ko at ginagawa nila ito sa akin?

pero huwag niyong subukan na saktan nyo pa ito ulit - pagkat sa ikatlong tangka... humanda ka.

siguro nga mukha akong isang nilalang na karapat-dapat ngang apihin - eh sa hitsura pa lang, hindi naman kayang gumanti niyan diba? marahil ay tama ka. ngunit ang pagawi ay hindi lamang simpleng "dahil ginawa mo ito, ito rin ang gagawin ko sayo" pagkat hindi naman ito laging magagawa, at minsana'y mas makakasakit lamang sa sarili.

ito ang paraan ko ng pagbawi. maaaring hindi kasinlupit ng mga hagupit nyo, ngunit kahit papano'y mapusok at matalim pa rin.

ganun nga ba talaga kahirap matuto? masyado nga bang tago ang mga hudyat, ang usok na nauuna sa apoy? hindi pa ba sapat ang isa, dalawang beses? sa tingin nyo, hm?

buti na lang, sa tingin ko hindi lang sapat, ngunit lubusan na ang aking mga salitain. masyadong taliwas sa aking pagkatao. nawa'y nawari't nahinuha nyo na ang aking saloobin. kung inyong mamarapati'y huwag niyo nang gustuhin na gawin ko pa ito ulit. patawad.(",)

1 comment:

Anonymous said...

lineofscythe.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading lineofscythe.blogspot.com every day.
vancouver payday loan
payday loans in canada